proyekto

marka: koleksiyon ng mga akda at larawan

Mula sa layunin na palawakin pa ang marka ng malayang pagsusulat at paglalathala sa panahon ng opresyon, ibinahagi ang MARKA sa ginanap na Robredo-Pangilinan People’s Rally sa Robinson’s Starmills – Pampanga noong ika-9 ng Abril. Mahigit 100+ na zines at 1000+ na stickers ang naibahagi sa humigit-kumulang na 220,000+ na dumalo sa naturang event.

tungkol sa mga organizer

Maria Kristelle C. Jimenez

Si Marya ang tumatayong founder ng Rebo Press Book Publishing. Ilan sa kaniyang mga proyekto ay ang Esperma Book Grant na naglalayong mailathala ang mga batang manunulat, maging ang MARKA zine na kolaborasyon sa Vox Populi PH upang magbahagi ng libreng zine at stickers.

Marius D. Carlos, Jr.

Si Marius Carlos, Jr. ay isang awtor, editor at founder ng Vox Populi PH. Is rin siyang awtor ng Rebo Press mula noong itatag ito. Mahilig si Marius magsulat kahit wala siya halos oras magsulat.

Jay-ar G. Paloma

Si Jay-ar Paloma ay isang manunulat na nagtatrabaho sa corporate world bilang HR Executive. Mahilig siyang magsulat ng mga sanaysay, tula at maikling kwento ukol sa LGBT. Nailathala na ang kanyang mga akda sa Vox Populi PH, Rebo Press at Revolt Magazine, at Esquire Magazine PH.


TUNGKOL SA REBO PRESS

Ang Rebo Press Book Publishing ay naglalathala ng samu’t-saring awtor mula sa iba’t-ibang kasanayan at edad. Pinapangarap ng Rebo Press na makapagbuo ng komunidad ng mga mambabasa at manunulat sa pamamagitan ng malayang pagsusulat at paglalathala. Sa pamamagitan ng kombinasyon ng kaalaman sa kultural na produksyon at kaalamang teknolohikal, nagagawang baybayin ng Rebo Press ang mga balakid sa Ikatlong Daigdig, at inaasam ng Rebo na ito ay maipalawig pa sa mga darating na taon.


tungkol sa VOX POPULI PH

Ang Vox Populi PH ay ang tahanan ng Kontemporanyong Panitikang Pilipino at Sulatin ng mga Kabataan. Ang nasabing publikasyon ay pinamumunuan at itinatag ng mga batang manunulat na nagnanais na lumikha ng bago’t kritikal na espasyo para sa panitikan, pagsusuri, at community journalism para sa mga mababasa ng Pilipinas.

iba pang impormasyon hinggil sa marka

%d bloggers like this: