proyekto
TINDIG: Koleksiyon ng mga Tinig ng Pagtindig
Sa ikatlong zine na mula sa kolaborasyon ng Rebo Press at Vox Populi PH, ibinabahagi ang mga akdang mula sa kontribusyon sa Filipino Voices for Good Governance, isang online segment na naglalayong ipahatid ang tinig ng iba sa kanilang persepsyon ng tamang pagboto, sino ang dapat iboto, at iba pang aspekto ng tamang pamamahala.

tungkol sa mga kontributor

Sam Bucu
Si Samantha Anne Mallari Bucu (o “SAM Bucu”) ay isa sa mga aktibong miyembro ng Youth Vote for Leni-Kiko at Lubao for Leni-Kiko sa lalawigan ng Pampanga

Andro Blancada
Si Andro Blancada ay isang guro sa Camarines Sur. Ibinahagi niya ang ilang interaksyon niya mula sa kaniyang tiyuhin at ang persepsyon nito sa mabuting pamamahala.

Abi Bagabaldo
Abi Bagabaldo is a writer-educator, and currently running as an independent congressional candidate in Quezon province.

Marius D. Carlos, Jr.
Si Marius ay isa sa mga organisador ng MARKA, isang inisyatibo na naglalayong magbahagi ng mga babasahin sa publiko.

Gwynette Ivory Marbella
Si Gwynette Ivory Marbella ay isa sa mga artist ng Rebo Press. Gayundin, siya rin ay isa sa mga organisador ng MO4D—isang online group.

Ayesha Arqueza
Si Ayesha Arqueza ay isang awtor. Siya rin ang lumikha ng isang “Tulang Kulay Rosas,” na umani ng maraming interaksyon sa social media.

J.B. Bondoc
Si J.B. Bondoc ay isang estudyante sa kolehiyo na patuloy nangangarap maging isang manunulat. Kasalukuyan siyang parte ng programang Wattpad Ambassador at miyembro ng Guilty Reads, isang creatives hub kaugnay sa pagsusulat.

Annalyn Biagtan
Si Annalyn Biagtan ay ang kasalukuyang Literary Head ng Vox Populi PH, isang youth organization.

Dan Manjares
Kayang magsulat ni Dan Manjares ng kahit anong kuwento na parang nagsasalita lang siya. Sa edad na 23 taong gulang, isa rin siyang music producer at tatay ng anim na pusa.

TUNGKOL SA REBO PRESS
Ang Rebo Press Book Publishing ay naglalathala ng samu’t-saring awtor mula sa iba’t-ibang kasanayan at edad. Pinapangarap ng Rebo Press na makapagbuo ng komunidad ng mga mambabasa at manunulat sa pamamagitan ng malayang pagsusulat at paglalathala. Sa pamamagitan ng kombinasyon ng kaalaman sa kultural na produksyon at kaalamang teknolohikal, nagagawang baybayin ng Rebo Press ang mga balakid sa Ikatlong Daigdig, at inaasam ng Rebo na ito ay maipalawig pa sa mga darating na taon.
tungkol sa VOX POPULI PH
Ang Vox Populi PH ay ang tahanan ng Kontemporanyong Panitikang Pilipino at Sulatin ng mga Kabataan. Ang nasabing publikasyon ay pinamumunuan at itinatag ng mga batang manunulat na nagnanais na lumikha ng bago’t kritikal na espasyo para sa panitikan, pagsusuri, at community journalism para sa mga mababasa ng Pilipinas.
